Saturday, June 1, 2013

PLAGIARISM ALERT: BLAME IT ON THE PRADA SHOES



Habang ako ay naglalakbay sa Google, bigla kong napag-trip-an na i-type sa search engine ang title ng isang book ko, ang Blame It On The Prada Shoes. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong gawin 'yun pero ngayon ay alam ko na. Para maipakita sa akin itong site na 'to:

http://www.asianfanfics.com/story/view/443716/blame-it-to-the-prada-shoes-romance-schoollife-you-exo-exom-luhan (this post was no longer available)

Okay, balik tayo sa posted story na natagpuan ko. Noong una, ang akala ko ay magkahawig lang ang titles ng story namin but as I scanned further, doon ko natagpuan na story ko nga 'yun. This author named Koolio translated the synopsis and the first chapter of my book into English--word by word--, changed the character's name, claimed it and posted it on asianfanfics site. Asianfanfics by the way is a little similar to Wattpad, pero based on my observation, karamihan sa users nila ay Koreans and Japanese. Sa totoo lang ngayon ko lang natuklasan na may ganitong online story-sharing site.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mararamdaman ko habang binabasa ko ang post niya. Magagalit ba ako? Matatakot? Magpa-panic? Tatawa? Iiyak? Sige na, muntik na naman akong umiyak. (Lately ay nagiging iyakin na ako. Sign of aging?) Isang chapter pa lang naman ang napo-post niya at alam ko na masusundan pa 'yon kapag hindi siya napigilan. Nai-report ko na ito sa site ng asianfanatics, nag-post na rin ako sa private group ng PHR writers and editors. Sana, sana ay magawan ng paraan 'to. Masyado na akong stress ngayon para dumagdag pa ito. Blame It On The Prada Shoes is one of my favorite books na ako ang sumulat, ang sakit sa pakiramdam na makita 'yun na kini-claim ng iba. At siya pa ang may gana na maglagay ng footnote na: "Don't plagiarize, copy or paste it on other site. If some scene are familiar, it is purely coincident."

Coincident pa iyon--este coincidence?! O, heto ang "coincidences" ng stories namin:





“I don’t need to spend a thousand years beside him para pag-aralan siyang mahalin. A day or two with him would be enough.”
Fara Ledesma loved Prada shoes. She had twenty-eight pairs of them. Ang mga iyon ang nagsisilbing antidepressant, vitamins, and consolation niya kapag may hindi magandang nangyayari sa kanya. At reward naman kapag may maganda siyang nagawa. Para sa kanya, hindi niya kailangan ng Prince Charming para matawag na isang prinsesa. With an expensive pair of Prada shoes on her feet, she felt like a real princess. Isang araw ay may nakita siyang bagong labas na disenyo ng Prada shoes sa isang online store. Desperada siyang mabili iyon kahit maubos pa ang pera niya. Ngunit subalit datapwa, out of stock na iyon. At ang masaklap pa, ang nakabili niyon ay si Lora, ang kakambal niya slash numero unong kontrabida sa buhay niya. Lora offered to give her the shoes but on one condition: kailangan niyang mai-date si Brendon Zenith, the man with a piercing pair of grayish eyes and sensual red lips.

Magawa kaya niya ang hamon ni Lora, lalo pa’t isang multimillionaire businessman pala si Brendon? Paano niya mapapapayag si Brendon na makipag-date sa kanya nang hindi nahihimatay sa harap nito dahil sa pamatay na klase ng mga titig nito? Kaya ba niyang lunukin ang pride niya sa ngalan ng pinakaaasam niyang Prada shoes?


AND HERE'S THE PLAGIARIZED VERSION


Sonh Ha-Eun loved Prada shoes. She had eighteen pairs of them. They are her antidepressant, vitamins and consolation when something bad happened to her. And reward if she received something. For her, she doesn't need a Prince Charming just to be called a princess. With an expensive pair of Prada shoes on her feet, she felt like a real princess. One day, she saw a new arrived Prada shoes in one of an online store. She was desperate to buy it even if she spent all her money. But then it was out of stock. The most irritation of it, the one who bought it is Ye-eun, her twin sister slash number one antagonist in her life. Ye-eun offered to give her the shoes but in one condition: she need to date Luhan, the man with a piercing pair of black eyes and kissable lips.

Can she do the condition of Yu-eun, even more that Luhan is famous cold prince in their school? (honestly, nangangati ang kamay ko na i-correct ang sentence na 'to). How will she make Luhan invite to a date without fainting in front of him because of the kind he satre ('eto pa! Oo na, bad na ako, nakakagigil kasi talaga). Can she really do it for the sake of Prada shoes?



How about you? Do you really have to translate my work for the sake of...of what? Noong tina-translate mo 'to, I'm sure hawak mo ang hard copy. I'm sure nakita mo ang pangalan ko sa cover niyan. I'm sure nabasa mo ang author's note. Hindi ka man lang ba nakaramdam ng sundot ng konsensiya? O sige, sabihin na nating wala kang konsensiya, hindi ka man lang ba natakot noong nakita mo ang copyright notice sa page 4? Ano'ng pakiramdam mo na nakakatanggap ka ng magagandang comments dahil lang sa nangopya ka ng gawa ng iba? Nakaka-proud ba? I'm sure naman na matalino ka, aware ka na krimen ang ginagawa mo but still ginawa mo. For the sake of what? Mga papuri na hindi mo naman deserve.

No comments:

Post a Comment