Saturday, June 1, 2013

Vampire Kisses, Filipino Edition--TAKEN.

Nitong mga huling araw ay hindi ako makapagsulat nang maayos kaya naisipan kong subukan kung kaya kong pasukin ang translation. I tried two or three of Mills and Boon ng Harlequin pero nakaka-isang paragraph pa lang ako ay sumuko na ako. I'm having some problems translating their dialogues so I gave up. Then sinubukan ko ang ilan sa mga bestsellers na paborito kong basahin...Confessions of a Shopaholic, The Devil Wears Prada and Vampire Kisses. Months ago ay nasimulan ko na ang Vampire Kisses, natigil lang dahil sunod-sunod ang manuscripts na tinapos ko noon. So, last week, sinubukan ko uli siya at umabot ako hanggang sa Chapter 7. Nagsisimula na akong magkaroon ng attachment sa characters, though hindi ko masyadong gusto sina Raven (the heroine) at Alexander (the hero) para sa isa't isa dahil mas gusto ko si Trevor (Raven's nemesis since kindergarten), at hindi ako mahilig magbasa ng vampire stories (nagka-phobia ako sa Twilight. Lol.), may panghatak ang kuwento at nadalian ako na i-translate siya. Siguro dahil simple lang ang mga words na ginamit at maiiksi lang ang dialogues. Anyway, sabi ko magtatanong ako sa mga "bossing" kung puwede kaya na ako na lang ang mag-translate...but when I logged in a few hours ago, nakita ko sa News Feed ko sa Facebook ang book teaser ng Vampire Kisses, The Filipino Edition! I swear, parang may kumurot sa puso ko, I almost cried at hanggang ngayon ay naluluha pa rin ako. Ewan ko kung dahil nanghihinayang ako sa ilang gabing ginugol ko sa pagta-translate, kung dahil naiinggit ako sa translator o kung dahil pakiramdam ko ay bibitawan ko na rin 'yung characters sa Vampire Kisses na napamahal na sa akin. Oh well, masyado kasi akong ambisyosa minsan. I guess, hindi talaga para sa akin ang translation. *sigh*

No comments:

Post a Comment